Friday, August 10, 2007

Pahinging Panalangin

O Diyos, salamat sa biyaya Mong pag-asa, pag-ibig at pananalig. Pag-asa upang patuloy kaming makipag-kapwa at maniwalang laging meron pa. Pag-ibig upang punuin ang aming sarili sa pamamagitan ng paghahandog nito sa iba. Pananalig upang mapagtantong lahat ng ito ay Pagkakatawang-tao at Pag-ibig ni Kristo para sa lahat sa pamamagitan namin. Amen.


Ang astig talaga ng pagtatalaban ng Pag-asa, Pag-ibig at Pananalig. Parang Banal na Santatlo.

No comments: