Wala lang. Naalala ko lang yung napulot ko sa COA noon pa. (Haha parang ang tagal na.)
Hindi ko na nga alam kung tama pa yung pagka-gets ko pero for some purposes naghohold pa naman.
Hindsight: What you learn/ realize as you look back. Ala learn from experience.
Foresight: Realizations mo na makatutulong sa iyo moving forward, mga nakikita mong mangyayari in the future kaya naiisip mo na kung ano ang dapat gawin.
Insight: Wala lang. Insight mo sa ngayon? Maaari rin namang light bulb moment mo ngayon na maglead sa isang hindsight or foresight.
Naaalala ko rin yung comment ng Th151 teacher ko noon: In hindsight, you'll see how God was working through your dark moments. Something to that effect.
May nakita kasi akong langgam na hinahanap yung naaamoy niyang matamis na candy. Ang layo na kasi ng nilakad niya at kung anu-ano nang obstacle ang kanyang sinuong pero hindi pa rin niya nararating yung "goal" niya. Parang gusto ko itong i-cheer on para magpatuloy.
Most of the time ganon ako/ tayo. Siguro mahina tayo/ako sa insight. Kasi madalas umaaangal kung may mga dark moments (thank God walang super dark). Mahina ang response sa tawag ng proseso/ pagtubo na dahan-dahan. Or siguro, gaya nung langgam, maliit tayo compared s a greater scheme of things kaya parang ang tagal nung process, hindi na makayanan. Pero looking back, nalampasan din naman pala, thru hindsight, not bad after all.
Wala lang. I invite you to also consider having hindsights/ foresights more often. It helps, lalo na't uber liit nga naman natin kumpara sa greater scheme of things.
Friday, August 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment