Sunday, July 1, 2007

Your Evol!

Hindi yan tungkol sa love ha, just like my old elementary days when some people (actually kids) used to refer to LOVE as EVOL, or ebol nga ata eh.. Howell, gone are the old (este young) days hehe..

“Your evol” actually means “Ansama mo!” Take that from a Chinay na ka-batch ko kapag may nang-aasar sa kanya (malamang boy na may pagka-bully pero feeling close.)


Naisip ko lang idocument yung mga na-retain sa isip ko na hindi naman super evol pero siguro mean. Hindi naman ako super galing sa English, actually madalas nga akong magkamali sa grammar at pronounciation eh, pero, gusto ko pa ring ibahagi ito sa inyo.

“Dalawa ngang show. Saka isang top.”

Sabi yan ng manong na nakapila sa harap ko, hindi sa sinehan or sa mall kundi sa may ticket counter ng MRT. Ang sama (or rather Ansama) ko no?

Can I hold you for a while?

Aakalain mong manyak o anuman eh no? Sinabi ko yan before sa girl/interviewer na kausap ko over the phone dahil nais ko sana siyang paghintayin ng kaunti. Whew! Buti na lang hindi niya naisip na may malisya kasi tinawagan pa niya ako ulit for another interview. Naks! Though eventually hindi ako natanggap dun sa company na yun..

Eto luma na:

Sir, I’ll just repeat your order: Hamburger with chess?

Narinig ko lang iyan sa friend ko ha. Napaisip nga siya ng isasagot dun eh.

Eto mejo luma na rin.

Habang nakapila sa isang fastfood counter ata para bumili ng chicken:

Miss, meron kayong breasts?

Sagot naman nung girl: Meron po.

Naisip kong ilagay din dito yung kinuwento ni Tish about her friend/ teacher na medyo repressed ata pero huwag na lang.

Sabi naman coño na nagwowork sa call center habang sinisingil na siya ng bangko dahil sa utang niya:
(Over the phone) “TALK TO ME IN ENGLISH! Hindi kita maintindihan!”

Whatever. Ayaw mo lang magbayad eh hehe.

Eto, mas recent, noong isang araw lang:

Sir, you ordered one mongolian bowl with teriyucky sauce.

Nagdalawang isip tuloy ako kung babayaran ko pa or icancel ko na lang yung order.

Tapos nag-contribute din si Precious, kwento raw sa kanya ng girl friend niya:

Souer (/sa-wer/) and cream flavor. At natawa yung friend niya, hindi dahil sa ‘sa-wer’, kundi dahil sa ‘and’. Ayus noh?

Eto pa isa:
Uy, silver sorfur oh! (Sulfur pa nga ata pagka-pronounce niya). Yun pala, tinitingnan niya yung ad ng latest na Fantastic 4.

Ang sama ko noh? Hehe. Naisip ko lang, ang dami pa talagang areas para gumawa ng kabutihan ano?

Twice na akong nakakita ng tulog na HSBC employees (naka-uniform kasi) sa shuttle on the way to HSBC (yup, dun ako nagwo-work.) May Fort Bonifacio bus kasi roaming around the Global City (punta tayo Market! Market!!) at monopolized nila yung public transport to HSBC and other places. (not unless umangkas ka sa motor or mag-taxi na P40 ata per head)

Anyway, yun tulog sila, pero hindi ko ginising kahit na nasa HSBC na kami. Hindi ko tuloy alam kung na-late ba sila or what, or baka mag-breakfast sila sa Market! Market! kaya steady lang tulog nila. Hehe..

Tapos, one time, on my way out sa MRT Ayala station, yung banda sa likod ko, nagkanda-laglag yung coins niya on her way out din. So habang pinupulot niya yung coins niya, naglalakad siya palabas since na-ilagay at nakuha na naman niya yung stored value ticket niya sa machine/gate. Eh hindi napansin nung guard na nalaglag lang yung coins nung girl. Akala niya, gumapang yung girl palabas at hindi nagbayad. Pinaulit tulit siya. Tsk tsk tsk. Sins of omission ata ang mga ito.

Yun lang. Actually, matagal ko na itong na-compose, ngayon ko lang na-post hehe. Ang bilis ng panahon grabe. Mabilis pala pag nagta-trabaho na. Though, admittedly, parang sobrang bagal ng panahon nung may time na delayed yung unang sweldo ko for more than two weeks ata. Siyempre, ang hirap nun chong.

No comments: